Malabo pang maipatupad ng DOLE o Department of Labor and Employment ang pamamahagi ng mga i-DOLE ID card sa mga OFW o Overseas Filipino Workers.
Ito’y ayon kay DOLE Information Service Director Jesus Cruz ay dahil wala pang pondo ang ahensiya para dito.
Aniya, magkakaroon pa ng pagpupulong sa pagitan ng OWWA at iba mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa nasabing proyekto upang plantsahin ang usapin kung sino ang magbabayad sa pagpapagawa ng i-DOLE ID card.
Paliwanag pa ni Cruz, kailangan rin isa-alang alang ang mga katergoya ng mga OFW na dapat isailalim sa i-DOLE ID.
Matatandang, bago ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inihayag ng DOLE ang pagkakaloob ng libreng ID sa mga OFW na maaaring magamit para mapabilis ang kanilang transaksyon sa pangingibang bansa.
By Krista de Dios