Maituturing na Red Alert o Red Flag na ang sitwasyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga quarantine facilities.
Sa laging handa briefing, sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na nasa 9,000 OFWs ang kasalukuyang inoobserbahan sa mahigit dalawandaang quarantine hotels.
Bagaman kontrolado pa aniya ang sitwasyon sa ngayon kailangan bantayan ng mabuti kung saan nakadepende ito sa bilis ng pag swab test at bilis ng paglabas ng resulta.
Paliwanag pa ni Cacdac, kung marami ang ofws na nasa quarantine facilities, malaki ang posibilidad na makatatanggap ng reklamo lalo na sa pagkain, gamot at health issues.
Samantala, nagtalaga na ang owwa ng maraming tauhan para matugunan ang mga pangangailalngan ng mga OFWs.