Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang maraming alternative market para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Kabilang dito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang Germany na nangangailangan ng Pinoy nurses gayundin sa Slovania at Austria na nagbukas ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Kamakailan lang dumating ang chairman ambassadress nangangailangan sila ng additional nurses meron ding dumating dito yung ating ambassador sa Austria kasama yung sa Slovania, kasama nila yung mga employers nangangailangan sila ng 2 hanggang 5,000 manggagawa sabi ko magkaroon muna tayo ng deployment, ng bilateral amendment para makapag-deploy kami dyan,” ani Bello — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.