Lumobo na sa halos 21,100 Filipino sa ibayong dagat ang tinamaan ng COVID-19.
Nadagdag sa listahan ang 147 panibagong kasong naitala ng Department of Foreign Affairs kahapon.
76 pa ang nakarekober habang 16 pa ang namatay.
Ang bagong cases at bagong fatalities na ang pinaka-mataas na bilang ng mga OFW na tinamaan ng COVID-19 ngayong buwan. —sa panulat ni Drew Nacino