Patay ang isang 32-anyos na Overseas Filipino Worker na nakatakdang bumalik sa ibang bansa matapos saksakin hanggang sa mapatay ng kanyang selosong live-in partner sa Murcia, Negros Occidental.
Ayon sa awtoridad, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa na nagpatuloy pa kinabukasan, nang magmukmok ang 39-anyos na suspek at pinagsasaksak ang biktima gamit ang screw driver.
Sinubukan silang pakalmahin ng kanyang ina ngunit sinaksak din siya ng suspek sa paa.
Dinala ang biktima sa isang ospital ngunit idineklara itong patay.
Nabatid na madalas magtalo ang mag-asawa dahil sa matinding pagseselos ng suspek.
Nahaharap ang nahuling suspek sa kasong murder.