Personal na kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pinay overseas worker na naging biktima ng pang-aabuso na si Pahima Alagasi.
Pero ayon kay OWWA o Overseas Workers Welfare Administrator Hans Cacdac, hindi bukas sa publiko ang naturang pag-uusap.
Gayunman, ibinahagi ni Cacdac sa programang “Global Pinoy” na naging emosyonal ang pagbabalik ni Alagasi mula sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia kahapon.
Very emotional ‘yung pagyakap nila sa isa’t isa. We were taken on a VIP section sa airport sa Davao, kung saan ay dinala din doon ‘yung pamilya. Pahayag ni Cacdac
Magugunitang naghain ng reklamo si Alagasi laban sa kaniyang employer makaraang sabuyan siya nito ng kumukulong tubig noong 2014.
Kasunod nito, sinabi ni Cacdac na handang tulungan ng pamahalaan si Aligasi para makamit ang hustisya mula sa sinapit nito sa kanyang amo.
On account of ‘yung cases na dinaan niya doon, siya ‘yung OFW na nabanlian ng tubig ng employer. Masaya siya sap ag-uwi niya at nakapiiling niya ‘yung pamilya niya. Paliwanag ni Cacdac
ARRIVAL OF OFW FAHIMA ALAGASSI, WHO WAS SCALDED WITH BOILING WATER BY HER EMPLOYER IN 2014 IN RIYADH @dwiz882 pic.twitter.com/IsqxySjbuG
— raoul esperas (@raoulesperas) April 13, 2018