Nag-negatibo sa mga tests ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na hinihinalang may Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERS-CoV.
Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, may pneumonia ang nasabing 47-anyos na lalaking OFW na nagmula sa Riyadh, Saudi Arabia at ginagamot sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ang naturang pasyente ay una nang isinugod sa Laguna Doctors Hospital bago inilipat sa RITM dahil sa pangambang may MERS-CoV infection ito.
Bumalik sa Pilipinas ang naturang OFW nitong nakalipas na February 14 at halos dalawang linggo nang may mga sintomas ng flu.
—-