Inatasan na ni labor secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration upang simulan na ang deployment ng mga manggagawa sa South Korea.
Kasunod ito ng pagtanggal sa mga COVID-19 restrictions sa mga dayuhang manggagawa na papasok sa nasabing bansa.
Ayon kay Bello, isang maganda itong balita para sa mga Pinoy at kanilang pamilya maging sa kanilang mga Korean employer.
Biyernes nang i-anunsyo ng Korea Ministry of Employment and Labor o MOEL na pinayagan nang makapasok ang mga manggagawa sa ilalim ng entry permit system mula sa lahat ng nagpapadalang bansa, kabilang ang Pilipinas.
Hinihintay naman ng korean embassy sa Pilipinas ang guidelines mula sa South Korean government sa pagbibigay ng E-9 visa sa mga Filipino worker kasunod ng anunsyo ng MOEL.—mula sa panulat ni Drew Nacino