Inaayudahan na ng dalawang abogado ang Overseas Filipino Worker (OFW) na naaresto sa Hong Kong matapos mapagkamalang kasama ng mga nagpoprotesta.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III isa sa mga abogado na tumutulong kay Jethro Pioquinto ay galing sa organisasyon ng mga OFW sa Hong Kong at ang isang abogado ay mula naman sa embahada ng Pilipinas.
Maayos naman aniya ang kalagayan ng nasabing Pinoy subalit hindi pa tiyak kung makakalaya ito o mananatili sa kulungan.
Kasabay nito muling pinayuhan ni Bello ang mga Pilipino sa Hong Kong na mag ingat at iwasan ang pagsusuot ng itim o puting damit.
Ang 36 anyos na si Pioquinto ay napaghinalaan ng Hong Kong authorities na kasama sa hanay ng mga protester.