Nagpasaklolo na sa Commission on Human Rights (CHR) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nabiktima ng tanim o laglag bala modus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nagtungo sa tanggapan ng CHR kaninang umaga si Ginang Gloria Ortinez kasama ang kanyang abogadong si Atty. Spocky Farolan at OFW Advocate na si Susan ‘Toots’ Ople.
Si Ortinez ay pinagbintangang may dala umanong bala sa bag.
Base sa nauna niyang pahayag at ng kaniyang abogado, na-trauma nasabing ang OFW at wala pa ring katiyakan kung makababalik ito sa pinagtatrabahuhan sa Hong Kong matapos maantala ang pagtungo niya roon dahil sa isyu ng umano’y pagdadala ng bala.
By Meann Tanbio | Allan Francisco