Umaasa ang Philippine Embassy sa Kuwait na makauuwi na sa bansa ang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joseph Urbiztondo sa susunod na linggo.
Si Urbiztondo ay nabigyan ng pardon matapos ang halos 20 taong pagkakabilanggo sa Kuwait matapos mapatay ang isang Bangladeshi national.
Sinabi ni Urbiztondo sa isang panayam na pag-uwi niya rito sa Pilipinas, agad niyang pupuntahan ang kanyang pamilya.
Labis aniya ang kanyang pangungulila sa kanyang pamilya matapos ang halos dalawang dekadang pagkakawalay.
By Meann Tanbio | Allan Francisco