Matatanggap na ng mga Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia ang sahod na hindi pa naibibigay sakanila.
Ito ang siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) kung saan inaasikaso pa ng technical working group ang proseso sa pagkuha ng sahod.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople na wala pa silang timeline sa pagbabayad ng claims ngunit minamadali na nila ito.
Magkakaroon pa kasi ng serye ng consultative meetings mula sa mga opisyal ng Pilipinas at Saudi Arabia sa paglatag ng mga polisiya.