Required na sumailalim sa 21-day quarantine ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na papuntang Taiwan.
Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO), 14 na araw ang paunang quarantine sa isang government facility, habang ang susunod na pitong araw naman ay para sa “self-help” management.
Obligado nang employer at Taiwanese government na sagutin ang gastos sa quarantine at bigyan ng sweldo ang mga OFW.
Tinatayang aabot sa 40,000 new hires at returning OFWs ang inaasahang darating sa Taiwan.