Patay ang isang OFW o Overseas Filipino Worker sa United Arab Emirates (UAE) matapos mahulog sa ikatlong palapag ng isang gusali sa Sharjah.
Ayon sa mga ulat ng Gulf News at Khaleej Times, kinilala ang nasawing Pilipino na si Freddy Rosario, 44 anyos, na natagpuang duguan noong Hunyo 14.
Nadala pa sa ospital si Rosario pero dineklara ring dead on arrival.
Inaalam pa ng mga pulisya sa UAE kung nagpakamatay o hindi ang nasabing OFW.
By Jonathan Andal