Patay ang isa namang overseas Filipino worker (OFW) matapos paslangin umano ng kaniyang among babae sa Kuwait.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Bagama’t wala pang karagdagang detalye na inilabas ang DFA hinggil sa pagkamatay na naturang OFW, nagpahayag ang ahensya ng pagkondena sa sinapit ng Pinay.
Kasabay nito, nanawagan ang DFA sa mga otoridad sa Kuwait na makipagtulungan at maging transparent sa isinasagawang imbestigasyon upang matiyak na makakamit ng pamilyang naulila ng naturang OFW ang hustisya.
Magugunitang mataas ang insidente ng karahasan laban sa mga Pinay domestic helper sa Kuwait dahilan para maitulak ang pagpapatupad ng deployment ban dito noong 2018.
Ngunit pagkaraan ng ilang buwan ay inalis na rin ang ban at nagkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at Kuwait para tiyakin ang proteksyon at kaligtasan ng mga OFW.