Pumanaw sa isang quarantine facility sa Cebu ang isang OFW na may cancer.
Ayon sa ulat, negatibo sa COVID-19 ang OFW na si Rachelle Sagonoy nang dumating sa Cebu mula Saudi Arabia noong Agosto 10.
Nakiusap umano ang pamilya ni Sagonoy na dalhin na lamang ito sa isang ospital dahil sa sakit nitong cervical cancer, ngunit dinala pa rin ito sa quarantine facility.
Noong Agosto 20 nang matanggap ng pamilya nito ang balitang binawian na ito ng buhay.
Dahil dito ay balak ng pamilya ni Sagonoy na kasuhan ang overseas workers welfare administration (OWWA) at Bureau of Quarantine.
Dumalaw naman si OWWA administrator Hans Cacdac sa burol ni Sagonoy upang makiramay at humingi ng paumanhin sa pamilya nito.
Tiniyak ng OWWA na may matatanggap na tulong ang pamilya ng OFW.
Samantala, pinaiimbestigahan na ng Department of Health ang insidente.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico