Tumaas ng 3.2 percent at umabot na sa 2.2 billion dollars ang halaga ng remittance ng mga Overseas Filipino Worker (OFW’s) ngayong taon, kumpara noong nakaraan.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco Jr., kabilang dito ang mga ipinadala ng land based OFW’s na may kontrata na mahigit sa isang taon at ang mga kumpensasyon ng mga OFW na mayroong short term contracts.
Mahigit sa ¾ ng mga cash remittance ay mula sa Amerika, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Canada, Singapore, United Kingdom, Hong Kong, Qatar at Japan.
By Katrina Valle