Lumago ang personal remittances mula sa mga Overseas Filipino worker ng 2.4 billion dollars noong Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang personal remittances ay mga money transfer na hindi pumasok sa formal channel tulad ng mga bangko.
Base naman sa forecast ng BSP, posibleng umabot sa 26 billion dollars ang kabuuang remittances ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat hanggang sa pagtatapos ng taong 2016.
Kumpara ito sa 25.7 billion dollars na ipinadala ng mga ofw noong isang taon.
Mahigit pitumpu’t limang porsyento ng cash remittances ay mula sa Amerika, Saudi Arabia, UAE, Singapore, UK, Japan, Qatar, Hong Kong, Kuwait at Germany.
By: Drew Nacino