Mabilis ang naitalang pagtaas sa remittance ng mga OFW mula sa iba’t-ibang bansa sa nakalipas na buwan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang personal remittances mula sa OFW’s ay umabot sa 2.9B U.S. Dollars nuong July 2019 na mas mataas ng mahigit 7% sa remittance na naitala nuong July 2018.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang paglago ng personal remittances sa unang 7 buwan ng taon ay mula sa remittance inflows ng land based overseas Filipino workers.
Nakapag ambag din aniya ang perang padala ng sea based at land based workers na mayruong short term contracts abroad.
Mula January hanggag July 2019 ipinabatid ng BSP na ang cash remittances ay umabot sa 17. 2B U.S. Dollars na halos 4% na mas mataas kumpara sa mahigit 16B U.S. Dollars mula January hanggang July 2018.