Posibleng bumaba ng hanggang 5% ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito’y ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil pa rin umano sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, asahan ang pagbaba ng remittances ng mga OFWs ngayong taon dahil sa libu-libong manggagawang Pinoy ang nagbalik-bansa.
Marami kasi aniya ang naapektuhan din ang kanilang kabuhayan sa ibayong dagat ng pandemya.
Dahil dito, ang dati umanong $38-bilyong na remittance ay posibleng maging $28.5-bilyon na lamang.
Sinabi ni Diokno na makatutulong sa pagtaas ng remittances ng bansa kung makapagpapadala ang Pilipinas ng mga nurse, doktor at computer specialist sa ibang bansa lalo’t maganda naman umano ang reputasyon ng mga Pilipino sa ganitong mga larangan.