Binigyang diin ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring umabot sa 37 billion dollars ang remittances mula sa Overseas Filipino Workers ngayong taon.
Paliwanag ng BSP, karaniwang nagpapadala ang mga OFW ng mas maraming pera sa bansa tuwing holiday season at “ber months.” Nagkakaroon din ng pagtaas tuwing Hulyo, bago magbalik-eskwela ang mga estudyante.
Noong nakaraang taon nasa all-time high at bumubuo sa 8.9 percent at 8.4 percent ng gross domestic product at gross national income ng bansa ang remittances, mas mataas ito ng 3.6% increase kumpara sa $34.8 billion na naitala noong 2021.
Ang average remittance na ipinadala ng isang OFW sa naturang panahon ay nasa 111,000 pesos kung saan kailangang magbayad ng OFWs ng 5 percent transaction fee sa pagpapadala ng pera sa bansa.
Samantala, sinabi ni BSP Gov. Eli Remolona na pinag-aaralan ng Central Bank na unti-unti ibaba ang nasabing fee sa 1 percent.