Tumaas ang remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong taon.
Ipinabatid ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot ang remittances sa halos US$3-billion o mahigit 7% na mas mataas sa unang 10 buwan noong 2018 na nasa US$2.75-billion lamang.
Ayon sa BSP, sa Amerika pa rin nagmumula ang pinakamataas na remittance at sinundan ng Saudi Arabia, Singapore, Japan, United Arab Emirates (UAE), United Kingdom, Canada, Germany, Hongkong at Kuwait.