Umabot na sa 23.3 billion US dollar ang pumasok na remittances ng mga OFW ngayong Agosto.
Halos 3.02 billion US dollars ang pumasok na personal remittances nitong Agosto na mas malaki ng 4.4% kumpara sa 2.89 billion US dollar noong Agosto 2021.
Nakapagtala ng 41.7% ang pumasok na remittances sa unang walong buwan ng 2022 na mula sa Estados Unidos, kasunod ng Singapore na nasa 6.9%, Saudi Arabia na 5.8% habang ang Japan at United Kingdom na nasa 4.9%.
Samantala, mas mababa ito ng halos tatlong bilyong US dollars na personal remittances noong Agosto kumpara sa 3.24 billion US dollars noong Hulyo at 3.06 billion US dollars noong Hunyo. —sa panulat ni Jenn Patrolla