Inihayag ng Philippine Consulate na isang 27-anyos na pinay domestic worker ang nasawi matapos mahulog mula sa rooftop ng isang hotel sa Hong Kong.
Batay sa ulat, natagpuan ng mga otoridad ang katawan ng biktima sa terrace ng hotel.
Pinaniniwalaang aksidente ang pagkahulog nito dahil walang natagpuang suicide note ang mga imbestigador.
Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng Hong Kong Police hinggil sa insidente. —sa panulat ni Hya Ludivico