Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang natagpuang patay sa Kuwait.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nadiskubre ang pinay sa kanyang kwarto sa Al – Salam area noong March 14.
Natuklasan ang bangkay ng OFW nang tumawag ng pulis ang mga kapit-bahay nito matapos mapansing maghapon siyang hindi lumabas ng bahay.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-suicide ang hindi pa pina-pangalanang pinay pero hinihintay pa ang resulta ng forensic examination.
Tiniyak naman ng DFA na mino-monitor na ng Philippine Embassy ang kaso.