Isang Overseas Filipino Worker ang arestado sa Kuwait matapos mapatay ang anak ng kaniyang amo na isinilid sa washing machine.
Nagpaabot na rin ang Emabahada ng kanilang pakikiramay sa nagluluksang pamilya, kasabay ng pagtiyak na makikipagtulungan sila sa isasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.
Ayon naman sa Philippine Embassy sa Kuwait , labis silang nagulat at nalungkot sa insidente.
Tiniyak din naman ng DMW na ang naturang trahedya ay isolated lamang at hindi kumakatawan sa ugali ng mga Pinoy at OFWs, na kilala sa kanilang pagiging maalaga, pagiging propesyonal, at dedikasyon sa trabaho.
Matatandaang taong 2023, nang nagpatupad ng visa ban sa Filipino nationals ang kuwait kasunod ng nangyaring pagpatay at pagbuntis ng anak ng amo sa OFW na si Jullebee Ranara.
Subalit inalis din ang ban noong June 2024 makaraang magkaroon ng kasunduan ang dalawang bansa kaugnay sa pagkuha ng domestic workers.