Tila naalimpungatan ang isang pamilya sa pagdating ng kanilang kaanak mula sa Taiwan.
Ano kayang klaseng surpresa ang tumambad sa kanila?
Tara, alamin natin.
Isang nakakabagbag-damdaming reunion ang naganap nang sorpresahin ng isang overseas Filipino worker ang kaniyang mga magulang sa kanilang higaan matapos ang ilang taon pagtatrabaho sa ibang bansa.
Bilang surpresa, maingat na gumapang sa higaan ng kaniyang mga magulang si Jholee Barres at humiga sa kama sa pagitan ng kaniyang natutulog na mga magulang.
Nagulat sa biglaang presensya, mabilis na napagtanto ng mga ito si Jholee, kaya agad siyang sinalubong ng isang malapad na ngiti at mainit na yakap ng mga ito.
Espesyal ang sandaling ito para kay Barres, na hindi nakita ang kaniyang mga magulang mula noong 2020 nang umalis siya patungong Taiwan para magtrabaho.
Ang mga taon na magkahiwalay ay lalong mahirap para kay Barres, dahil ang kanyang ina ay ilang beses na naospital habang siya ay nasa ibang bansa.
Gustuhin man niyang bumalik sa Pilipinas para maalagaan ang ina, ay hindi pwede.
Kaya nang makabisita siya, nagpasya siyang sorpresahin ang mga ito na nagresulta sa labis na kagalakan at nakakaantig na pangyayari.
Ikaw, anong masasabi mo sa hinandang surpresa ni Jholee sa kaniyang pamilya? - Kim Gomez