Magkakaroon ng hiwalay na ward sa halos pitumpung (70) government hospitals para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) at kanilang pamilya.
Kasunod na rin ito nang sinelyuhang kasunduan ng ACTS – OFW Partylist at Department of Health (DOH) hinggil sa pagkakaroon ng OFWs’ ward.
Ang pondo para sa naturang programa ay kukunin mula sa sa Hospital Facility Enhancement Program ng DOH.
Pinasalamatan naman ng ACTS – OFW Partylist group si Health Secretary Paulyn Ubial sa pakikipag-tulungan sa kanila para sa nasabing proyekto kung saan sampung government hospitals ang magkakaroon ng OFW wards sa taong ito.
Sinabi ni ACTS – OFW Partylist Representative John Bertiz na una nang naglaan ng OFW ward ang Dr. Jose Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga na nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng OFW’s.
______