Binalaan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuwait ang mga overseas Filipino worker laban sa pekeng facebook page na nagpapanggap na official account nito.
Nilinaw nito sa publiko na ang ‘POLO Kuwait official’ sa facebook ay hindi opisyal na FB page ng ‘POLO kuwait’ at hindi rin awtorisado ang lahat ng posts nito.
Maging ang friend requests at personal messages na maaaring matanggap mula sa nasabing pekeng facebook page ay ginagamit lamang upang manloko at mangikil ng pera.
Kaugnay nito, hinimok ng POLO Kuwait ang publiko na i-report sa kanila ang administrator ng nasabing FB page, gayundin ang nasabing account.