Dumating na sa bansa ang 348 overseas filipino workers (OFW) mula Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates(UAE).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito na ang ika-apat na batch ng repatriation mula nang magdeklara ng travel restrictions ang Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa pitong bansa.
Sinabi ni Bello na may apat pang repatriation flights na nakatakdang dumating sa bansa sa Hulyo 12, 17, 27 at 30.