Mahigit 300 OFW mula sa Dubai ang dumating sa Davao City, sakay ng isang chartered flight.
Dahil dito, ipinabatid ng DFA na nasa mahigit 6K OFW na mula sa UAE ang balik bansa simula nang ideklara ang pandemya.
Binigyang-diin ni DFA undersecretary Sarah Lou Arriola na tuloy-tuloy ang pagpapauwi nila sa mga OFW na apektado ng COVID-19 kung saan 14 na special flights ang naikasa na nila sa pagitan ng mga buwan ng Hunyo hanggang Setyembre.