Ipinangako ng Department of Migrant Workers ang tulong para sa mga Overseas Filipino Workers at iba pang manggagawang nasa distress sa ibang bansa na apektado ng visa suspension sa Kuwait.
Nabatid na may kabuuang 815 OFWs ang pupunta sana sa Kuwait ngunit biglang napigilan dahil sa suspension ng visa.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Department of Foreign Affairs sa gobyerno ng Kuwait para makita kung paano nito malulutas ang isyu.
Samantala, sinabi ng DMW na patuloy nilang iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang OFW sa Hongkong, na nakitang naglilinis ng mga bintana ng kanyang amo nang mahulog ito.
Nagtutulungan na rin ang Hong Kong government at DMW para sa pagpapauwi ng mga labi ng biktima sa Pilipinas.
Maliban dito, tinitingnan din ng DMW ang mga ofw na naapektuhan ng krisis sa Sudan. Hindi bababa sa 540 Pilipino ang naiuwi sa tulong ng Egyptian government.