Nananawagan ng tulong ang daang-daang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa United Arab Emirates para makabalik na ng bansa.
Ilan sa mga nasabing OFWs ay nabiktima ng mga illegal recruiters, tumakas mula sa kanilang mga employers o ibinalik ng kanilang mga employers.
Dahil sa dami, nagsisiksikan na umano ang mga naturang OFWs sa isang shelter ng konsulado ng Pilipinas.
Bukod dito nagiging problema na rin nila kung saan kukuha ng makakain.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine Overseas Labor Office sa Dubai na kanila nang inaayos ang papeles ng mga nasabing Pinoy para makauwi na ng Pilipinas.