Makatatanggap ng P5,000 cash assistance ang mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na naapektuhan ang flights ng pansamantalang pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, maaaring mag-avail ang mga OFW ng financial assistance simula ngayong Miyerkoles, Agosto 22 hanggang Biyernes, Agosto 24.
Batid aniya nilang kinakapos na sa pera ang mga OFW na ilang araw nang stranded sa NAIA matapos magdulot ng matinding perwisyo ang pagsadsad sa main runway ng eroplano ng Xiamen Airlines.
Samantala, tiniyak din ni Labor Undersecretary Joel Maglungsod ang tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga stranded OFW.
—-