Istranded ngayon sa sariling bansa ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakabakasyon mula sa trabaho.
Inabutan ang mga OFWs ng ban sa pagbiyahe patungo at pabalik ng China, Hong Kong at Macau dahil sa banta ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Batay sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 30 OFWs ang nanunuluyan ngayon sa dormitoryo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ayon kay Labor Usec. Renato Ebarle, ang mga istranded na OFWs ay tatanggap ng tag-P10,000 na kompensasyon at pamasahe pauwing muli sa kanilang mga probinsya.
Nanindigan ang pamahalaan na huwag munang payagan ang mga OFWs na narito sa bansa na makabalik sa kanilang employers sa China, Hong Kong o Macau.