Umabot na sa 1,200 ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakauwi na sa bansa mula sa Kingdom of Saudi Arabia.
Ito ay sa tulong ng “Bring Them Home” program ng pamahalaan, bilang tulong sa mga na-istranded na Pilipino matapos maapektuhan ng pagbaba ng presyo ng langis, ang kanilang pinagtatrabahuhan at magsara.
Maliban sa pagpapauwi sa bansa, ang mga OFW ay nakatanggap din ng P26,000 na tulong pinansyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
By Katrina Valle | Allan Francisco (Patrol 25)