Umabot na sa 18,000 mga Overseas Filipino Workers o OFW’s ang nakabalik sa bansa sa nakalipas na siyam (9) na buwan simula ng manungkulan ang administrasyon Duterte.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, may kabuuang 18,577 ang nagbenespisyo mula sa Assist WELL o Welfare, Employment, Livelihood and Legal Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Karamihan sa mga umuwing OFW ay mula Saudi Arabia at Taiwan kung saan inireklamo ng mga ito ang contract violation at termination of employment contract.
Binigyan ang mga ito ng livelihood at entrepreneurial assistance para sa kanilang pagsisimula ng negosyo dito sa bansa.
By Rianne Briones