Umabot na sa mahigit walong daang libong mga Overseas Filipino Workers o OFW ang nakauwi at nakasama na ang kani-kanilang pamilya mula nang nagsimula ang COVID-19 pandemic.
Nasa 809,374 OFWs na ang naibiyahe pabalik sa kanilang mga rehiyon matapos sumailalim sa quarantine protocols na ipinatupad ng pamahalaan.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga OFW na pinauwi mula sa ibat-ibang mga bansa.
Sa ngayon ay patuloy parin ang programa ng gobyerno sa pagpapauwi sa mga OFW. —sa panulat ni Angelica Doctolero