Umaabot na sa 63,000 Overseas Filipino Workers (OFW)’s ang napauwi pabalik ng Pilipinas ng pamahalaan.
Ito ay matapos maapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang kanilang mga pangkabuhayan sa ibang bansa.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello, may karagdagan pang 16,000 mga OFW’s ang inaasahang ding makababalik na ng pilipinas sa mga susunod na araw.
Tiniyak naman ni Bello na binibigyan ng tulong ng DOLE tulad ng pagkain at pinansiyal na ayuda ang mga na-stranded na OFW’s sa ibang bansa.
Iginiit ni Bello, hindi pinapababayaan ng pamahalaan ang mga OFW’s na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang kanilang mga trabaho.