Tutulungan ng Overseas Filipino Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFWs na stranded sa two week flight ban na ipinatupad ng Hongkong dahil sa COVID-19.
Sa laging handa briefing, sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na bibigyan ng tulong ang mga returning OFWs dahil ilang agencies ang namahagi ng tulong para sa mga stranded employees.
Dagdag ni Cacdac, maglaan din sila ng matutulugan, pagkain, transportasyon at accomodations sa mga ofws na walang matutuluyan pagdating ng maynila.
Matatandaang, inanunsiyo ng hongkong na iba-ban nila ang mga incoming flights sa walong bansa kung saan kabilang dito ang pilipinas mula January 8 hanggang 21.