Nasa mahigit isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) ang natulungan na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ito’y matapos mawalan ng trabaho ang OFWs dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay OWWA chief Hans Cacdac, papalo na sa 1,030,344 na returned OFWs ang nabigyan na ng tulong ng gobyerno.
Kasama sa tulong na ito ang pagkain, quarantine accomodation at transportasyon.
Maliban dito, bibigyan din ng cash assistance ang mga apektadong Pilipino na nagkakahalaga ng P10,000 sa ilalim ng “Abot Kamay Ang Pagtulong” (AKAP) program ng DOLE.