Halos 200,000 Overseas Filipino Workers (OFW)’s na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ang piniling manatili na lamang sa mga bansa kung saan sila naruon.
Ito ayon kay Department of Labor and Employmen (DOLE) Secretary Silvestre Bello III ay dahil umaasa ang mga nasabing OFW’s na makakahanap sila ng bagong trabaho kapag humupa na ang pandemic.
Ipinabatid ni Bello na inaasahan sana nilang nasa mahigit 42,000 OFW’s ang uuwi sa bansa sa buwang ito subalit lumalabas sa report ng labor attaches na nasa halos 17,000 lamang ang kumuha ng permits.
Ang mga OFW’s na umuwi ay maaari naman anyang kunin para mag trabaho sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng gobyerno.