Umabot na sa 35 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong ang nawalan ng trabaho dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Cacdac, 16 dito ang pinawalang bisa na ang kontrata dahil umalis na ng Hong Kong ang kanilang mga amo dahil sa takot sa COVID-19.
Samantala, ang 12 ng iba pa ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang employers matapos na hindi sila payagang umalis ng bahay sa kanilang rest day dahil sa pangamba na ma expose sila sa COVID-19.
Sinabi ni Cacdac na maaari pa ring manatili sa Hong Kong ang mga nawalan ng trabaho at puwede silang maghanap ng bagong employer basta’t mayroon silang referral.
Maaari anyang nakakalungkot ang mga pangyayari subalit kung susumain, hindi naman masyadong marami ang naapektuhan mula sa mahigit 200,000 Pinoy sa Hong Kong.