Nanawagan ang libu-libong overseas Filipino workers (OFWs) sa pamahalaan upang pabalikin na sila sa Libya.
Kasalukuyang umiiral ang deployment ban ng bansa sa Libya hinggil sa kaguluhan sa ilang lugar doon.
Ayon sa ilang OFWs— panahon na para pabalikin sila dahil wala umano silang makuhang trabaho sa Pilipinas.
Dagdag pa ng mga ito, mismong kasamahan nila sa Libya ang nagsasabi na maayos ang kanilang kalagayan sa mga pinagtatrabahuang oil company.
Karamihan sa mga OFW sa Libya ay nagtatrabaho sa medical, oil at gas sector.—mula sa panulat ni Hannah Oledan