Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa pagpapaganda ng imahe ng Pilipinas.
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Zurich, Switzerland, kinilala ni PBBM ang sakripisyo at malaking tulong ng mga OFWs para mabuhay ang ekonomiya ng bansa, at mapabuti ang pamumuhay ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
Tiniyak din ng Pangulo ang patuloy na tulong ng gobyerno sa mga OFWs sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW).
“Napakaganda ang kanilang tingin dahil sa mga Pinoy. Ito ay dahil sa inyo, dahil sa inyong mga magandang ginagawa,” pahayag ni PBBM.