Nanawagan ang mga manggagawang Pilipino sa Hong Kong na maitaas ang tinatanggap na sahod at food allowance ng mga domestic helper doon upang makapamuhay ng disente.
Ayon kay Dolores Pelaez ng United Filipinos in Hong Kong, kanilang isinumite ang petisyon sa Department of Labor sa naturang bansa kasabay ng taunang pagre-review nito sa mga sahod.
Sa kanilang petisyon, nais nilang iakyat sa P27,000 ang buwanang sahod ng mga domestic helper, mula sa dating P24,000.
Hiniling din ng grupo ang pagtaas sa mahigit P9,000, ng kanilang food allowance mula sa dating P6,000.
By Katrina Valle | Allan Francisco