Umaapela na rin ng suplay ng pagkain sa pamahalaan ng Pilipinas ang mga Overseas Flipino Workers (OFWs) sa Malaysia.
Ito ay sa gitna ng umiiral na matinding lockdown sa Malaysia dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Hindi umano prayoridad ang mga Pinoy at iba pang mga dayuhan sa naturang bansa sa mga pinapayagang makalabas at makabili ng mga pangunahing bilihin sa mga grocery stores.
Nagpadala na rin umano ng panawagan ang mga OFW sa tanggapan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.
Kasunod nito ay nananawagan din umano ang mga Pinoy workers sa gobyerno na payagan ang Embahada ng Pilipinas sa Malaysia na magdeliver ng suplay ng pagkain para sa kanila.
Magugunitang pinalawig pa ng Malaysia ang kanilang lockdown hanggang sa April 14 ng kasalukuyang taon.