Nakikiisa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa New Zealand sa pagdarasal at pagpetisyon para sa buhay ni Mary Jane Veloso, ang Pinay drug convict sa Indonesia.
Kasunod ito ng muling pagpapaliban ng gobyerno ng Indonesia sa pagpapataw ng parusang kamatayan sa ating kababayan.
Ayon sa grupong Migrante, kasama ang mga Filipino-Kiwi communities sa New Zealand sa sumusuporta sa OFW.
Ang kaso kasi ni Veloso ang naging mukha anila ng mga OFW na nagiging biktima rin ng human trafficking sa abroad.
Partikular yung mga nasa death row rin dahil sa pang-aabuso ng mga illegal recruiter at abusadong employer.
Umaasa ang Migrante na ang tuluyang pagpapalaya at hustisya para kay Veloso ang susunod na good news na kanilang maririnig.
By Allan Francisco