Nahihirapan nang makapagpadala ng pera sa Pilipinas ang maraming overseas Filipino workers o OFWs na nasa Russia.
Sa gitna ito ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan halos 200 na ang nasawi.
Ayon sa OFWs, hindi sila makakapagpadala ng pera sa kanilang pamilya dahil pansamantalang kinansela ang international banking system sa Russia.
Magpupulong naman ang Filipino community sa Russia ngayong araw upang mapag-usapan ang kanilang suliranin.
Inaasahan mararamdaman sa susunod na linggo ang epekto ng ipinapatupad na economic sanctions sa russia ng mga bansang sumusuporta sa ukraine.
Kapag magtutuluy-tuloy, babagsak ang ekonomiya ng Russia ngunit tiyak ding makakabangon dahil napaghandaan ito ng nasabing bansa.—sa panulat ni Abby Malanday