Binalaan ng mga otoridad ang mga OFW sa South Korea hinggil sa mga modus o scam.
Batay sa tala ng Korea statistics at pulisya doon, tumataas ang bilang ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga Pinoy kung saan mula sa mahigit 200 noong 2018, umabot ito sa higit 300 noong 2019, at umakyat pa sa mahigit 400 noong 2020.
Ayon sa Seoul Yongsan Police Station, karamihan sa mga naiulat na krimen ay voice phishing scam, domestic violence at online crimes gaya ng online gambling at online job hunting.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ng embahada ng Pilipinas sa South Korea ang mga OFW na mag-ingat.—sa panulat ni Hya Ludivico